Bong Go: Sakit sa puso ‘top killer’ sa Pinas kaya mahalaga ang RSC, SHC
- Published on January 9, 2024
- by @peoplesbalita
BINIGYANG DIIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng Republic Act No. 11959, kilala rin bilang “Regional Specialty Centers Act”, bilang tugon sa nakababahalang istatistika na ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.
Pangunahing itinaguyod ni Go at isa sa mga may-akda sa Senado, ang batas ay nag-uutos sa paglikha ng mas maraming specialty center sa mga regional hospital sa buong bansa upang mailapit ang espesyal na pangangalaga sa mga nangangailangan.
Sa ilalim ng Regional Specialty Centers Act, ang mga kasalukuyang ospital ng Department of Health sa Pilipinas ay magkakaroon ng specialty center na nakatuon sa special care, kinabibilangan ng sakit sa puso, at iba pa, bukod sa Philippine Heart Center sa Quezon City.
“Meron kasing ibang nasa malalayong lugar na hindi na pumupunta sa mga espesyalista para magpakonsulta dahil sa sobrang layo. Imbes na igastos sa pamasahe, ibili na lang nila ng bigas at ulam,” paliwanag ni Go. “Kaya ang simpleng sakit katulad ng high blood pressure, dahil hindi natugunan, nahuhulog sa mas malalang kondisyon, katulad ng mga heart diseases. Mas magastos pa para sa pamilya at sa gobyerno.”
Ang sakit sa puso ay nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas sa unang kalahati ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Higit sa 123,000 pagkamatay ang naitala noong 2022 at higit sa 155,000 noong 2021.
Kasunod ang cancer, stroke at diabetes mellitus.