Bloated pa dahil sa gamot at nakakapaglakad na… KRIS, ibinahagi ang ‘birthday salubong’ kasama ang mga anak at kaibigan
- Published on February 16, 2026
- by @peoplesbalita
KITANG-KITA na puno ng pagmamahal ang birthday salubong para kay Queen of All Media Kris Aquino nang pumasok na ang February 14 para sa kanyang ika-55th birthday.
Nandun siyempre ang dalawang anak na sina Josh at Bimby, kasama ang malalapit na kaibigan, para sa pagsaluhan ang simple pero makahulugang selebrasyon, dahil muli siyang pinagkalooban ng Diyos ng bagong taon sa buhay niya.
Makikita ang photos na pinost ng kanyang doktor na si Dra. Geraldine Zamora sa Instagram dito.
Caption ni Dra. Ging, “Birthday salubong for ate K, the #brave #lovelovelove.”
Medyo namamaga pa ang face ni Kris sa naturang photo, kaya comment niya sa post…
“I love you but i am so bloated from the only steroid i am not allergic to. I found us a place to walk safely, but of course knowing me you and my nurses need to stay alert that i don’t stumble.
Ibinahagi naman hair and makeup artista na si Jonathan Velasco, ang video habang inaayusan si Kris, pati na ang nagbo-blow ng candle sa kanyang mga cake, kasama ang dalawang anak.
“Happy Birthday Madam Kris, and Happy Valentine’s Day,” pagbati ni Jonathan.
Message pa niya, “You are such an inspiration, and my prayer is for your healing, peace, and love today and always. May all the love you give return to you tenfold. Love love love.”
Sobrang grateful nga si Kris na umabot sa kanyang 55th birthday at nauna na siyang nag-wish na hopefully ma-reach din niya 60 years old para makakuha na rin siya ng senior citizen card, na siguradong pakikinabangan niya.
Muli, isang maligayang kaarawan Kris, sana ay tuloy-tuloy na ang paggaling mo.
***
SA diwa ng pagpapalakas ng makabuluhang koneksyon sa buong creative industry, buong pagmamalaking ini-reveal ang official nominees para sa NDM+ Acting Awards 2026.
Magaganap ang NFE Gala Awards Night ngayong Martes, Feb. 17 , 6PM sa Artson Event Gala Hall sa A. Roses Ave., Q.C.
Naninindigan ang NDM+ Acting Awards 2026 na isa itong pagpupugay sa mga artista na ang talento, disiplina, at hindi natitinag na dedikasyon ay nagpapataas ng pagkukuwento sa pinakamataas nitong anyo.
Ang mga nominado ay kumakatawan hindi lamang sa kahusayan sa pag-arte, ngunit isang malalim na pangako sa pagbabagong wika ng entablado at pinilakang tabing.
Sa Best Actress category, magtatagisan ng galing sa pag-arte sina Angelica Panganiban (“Unmarry”), Jennylyn Mercado (“Everything About My Wife”), Glaiza de Castro (“Sinagtala”), Barbie Forteza (“P77”), Morisette Amon (“Song of the Fireflies”) at Maris Racal (“Sunshine”).
Sa Best Actor naman, pawang mahuhusay at award-winning ang magtutunggali na sina JC Santos (“Journeyman”), JM de Guzman (“Lasting Moments”), Jericho Rosales (“Quezon”), Baron Geisler (“The Delivery Rider”), Richard Gomez (“Salvageland”) at Zanjoe Marudo (“Unmarry”).
Ilan pa sa paglalabanang award ay para sa Best Supporting Actress na kung saan nominated sina Dimples Romana (“The Caretakers), Jennica Garcia (“The Delivery Rider”), Heaven Peralejo (“Out of Order”), Cindy Miranda (“Salvageland”) at Kate Alejandrino (“Baka Doon sa Buwan”).
Pasok naman sa listahan ng Best Supporting Actor sina Cesar Montano (“Selda Tres”), Mon Confiado (“Quezon”), JK Labajo (“Sana Sinabi Mo”), Kelvin Miranda (“Everyone Knows Every Juan”) at Nonie Buencamino (“Out of Order”).
Ipagkakaloob din ang Best Breakthrough Acting Performance, na kung saan sina Ivana Alawi (“Shake, Rattle & Roll”), Pearl Gonzales (“I See You”), Maeg Medina (“Finding Santos”) Aaliyah Marciano (“Baka Doon sa Buwan”) at Klea Pineda (“Open Endings”).
Ang NDM+ Acting Awards 2026 ang unang magbibigay ng awards para sa natatanging pagganap ng mga artista para sa nagdaang taon.
Goodluck sa lahat ng nominees, mabuhay ang Pelikulang Pilipino!
(ROHN ROMULO)