Binebentang karne nakaabot na sa ibang bansa: WENDELL, tahimik lang pero mukhang makabubuo na sariling business empire
- Published on January 31, 2023
- by @peoplesbalita

Aba, kailan lang halos sinimulan ni Wendell ang kanyang business na “WenDeli Meat House” pero ang layo na pala ng nararating nito.
Halos pandemic din nang mag-venture rito si Wendell at ngayon, literal na malayo na nga ang nararating ng mga “karne” ng actor. Aba, hanggang sa U.A.E., Portugal at Japan na rin. Obviously, mabenta at gusto talaga ng mga tao ang karne ni Wendell.
Nalaman namin ito sa ipinost sa social media niya ng manager ni Wendell na si Perry Lansigan. Proud na proud ito sa kanyang alaga na in all fairness naman ngang talaga, parang lahat sa buhay ni Wendell ngayon ay maayos.
Career-wise, isa pa rin siya sa in-demand na actor at isa rin sa mga bida ng bagong teleserye ng GMA-7, ang “Arabella.”
Buo at masaya rin ang family life at heto ngayon, nagiging isang matagumpay na businessman na rin.
Kaya sa tila bonggang launch ng Wendeli Meat House, sabi ni Perry for Wendell, “Congratulations Wendell! I am so proud of you.
“Magaling. Masipag. Mapagmahal. Continue soaring high! Suportadop ka ng PPL alam mo yan!
“Wendell hindi lang sa Pinas, now sa UAE, Portugal, Japan. At sa susunod sa buong mundo na.”
(ROSE GARCIA)