Bilang top winners sa awards night ng 50th MMFF: PlayTime, bahagi ng pagpaparangal kina JUDY ANN, DENNIS at ‘Green Bones’
- Published on January 13, 2025
- by Peoples Balita

ANG PlayTime, na top contender sa industriya ng online entertainment games sa Pilipinas, ay nagsilbing opisyal na kasosyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa ika-50 edisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), ang pinakamalaking festival para sa mga pelikula sa Pilipinas.
Bumisita ang PlayTime sa MMDA Headquarters upang ipakita ang pangako nito sa pagsuporta sa talento at kulturang Pilipino, na pinatitibay ang partnership sa pagitan ng PlayTime at MMDA, kaya pinaglapit ang mundo ng mga online entertainment games at pelikula.
Bilang partner, nakilahok ang PlayTime sa MMFF Parade of Stars at pinarangalan ng cash prizes (nagkakahalaga ng P100,000 at P250,000) ang MMFF Gabi ng Parangal winners:
• Best Actor – Dennis Trillo
• Best Actress – Judy Ann Santos – Agoncillo
• Best Picture – Green Bones
“Partnering with the MMFF for its 50th edition is an incredible honor,” pagbabahagi ni Jay Sabale, PlayTime Senior PR Manager.
“Our mission has always been to provide thrilling and meaningful experiences, and being part of this iconic celebration allows us to support Filipino artistry while engaging our community in a truly unique way.”
(ROHN ROMULO)