Bilang kandidato sa pagka-Senador… Willie Ong, nag-withdraw na sa kandidatura
- Published on February 21, 2025
- by Peoples Balita
OPISYAL nang nag-withdraw si Dr.Willie Ong sa kanyang Senate bid para sa 2025 national elections sa Mayo.
Sa pamamagitan ng kanyang maybahay na si Doc. Liza Ong, isinumite ang kanyang statement of withdrawal Biyernes ng umaga sa tanggapan ng Commission on Elections sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.
Sa kanyang Facebook post noong Pebrero 13, inanunsyo ni Ong na aatras na ito sa kanyang kandidatura at mag-focus na lamang sa kanyang kalusugan.
Sa kabila nito, sinabi ni Ong na patuloy pa rin siyang susuporta sa good governance at mga kandidato na nagtataguyod nng kaparehong ideyal gaya sa kanya.
Si Ong na ang ikaapat na senatorial candidate na umatras sa kanyang kandidatura para sa May 12,2025 elections.
Nauna ng sinabi ni Comelec chairman George Garcia na makakasama pa rin ang pangalan ni Ong sa balota ngunit ituturing na lamang na stray votes o hindi na bibilangin ang mga papasok na boto para sa kanya. (Gene Adsuara)