• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biktima ng trafficking pinigil ng kanyang employer dahil sa utang

ISANG babaeng biktima ng human trafficking ang pinabalik ng bansa sa Zamboanga International Seaport matapos na puwersahang illlegal na pinagtatrabaho na walang mga dokumento bilang entertainer sa isang club sa Malaysia.

 

 

Kinilala ang biktima na si Sarah, 24, na umalis ng bansa noong February 2024 patungong Singapore bilang katulong sa isang pamilya na nagdala sa kanya.

 

Gayunman, inamin nito na ni-recruit siya ng isa pang Filipina bilang waitress sa Malaysia ay inabihan na magpanggap na katulong upang makalusot ito sa inspection.

 

Ang recruiter ng biktima ay naniningil na P20,000 para sa bayad sa kanyang biyahe na itinuring na utang sa kanyang dayuhan na employer.

 

Pagdating sa Singapore, nagbiyahe ito sa Malaysia kung saan sinundo siya at dinala sa isang dormitory kung saan puwersahan siyaang magtrabaho sa isang nightclub bilang performer na pambayad sa kanyang mga utang.

 

Pero noong hindi siya nakakabayad sa kanyang employer, isinumbong siya sa mga awtoridad sa Malaysia kung saan siya inaresto dahil sa kawalan ng kanyang mga dokumento.

 

“This case highlights the exploitative and unjust practices of recruiters and syndicates who profit from human trafficking, leaving victims struggling to return home and facing numerous hardships due to false promises,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

 

Ang biktima ay bibigyan ng tulong mula sa mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbalik niya ng Pilipinas. GENE ADSUARA