• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 7:06 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biktima ng mail order bride, nasabat sa MCIA/NAIA

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng pekeng marriage scheme  na biyaheng China ang nasabat sa Mactan International Airport (MCIA) .

Kinilala ang biktima na isang 23-anyos na babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws.
Ang babae na nagsabing pupunta siya ng China  upang umano’y bisitahin ang kanyang asawa ay pasakay sana ng  China eastern Airline  flight.
Nagpakita siya ng Philippine Statistics Agency (PSA) marriage certificate at civil registrar certificate, na nagsasaad na kasal siya  noong March 2024 at Commission on Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program certificate na nagpapatunay dito.
Gayunman, nagduda ang mga immigration officers dahil sa kanyang mga statement kaya ini-refer siya sa PROBES officers, gayunman, nahirapan niyang isipin ang mga detalye hinggil sa kanilang kasal.
Pero sa bandang huli ay inamin din nito nawalang naganap na kasalan at ang kanyang ipinakitang  CFO certificate ay peke at inayos lamang ito ng kanyang umano’y asawang Chinese sa pamamagitan ng isang ahente.
Samantala, isa pang 20-anyos na biktima ng mail order bride  kasama ang kanyang  Chinese escort sa NAIA noong July 20.
Ang Chinese escort ay inasistehan ang isang  Pilipinang biktima sa kanyang pagsakay sa  ng Xiamen Air flight patungong Chengdu China at nagsabing asawa niya ito.
Nagpakita rin ito ng  PSA marriage certificate at kanilang mga litrato nang ikasal sila pero sa bandang huli ay inamin din ng biktima na nagbayad lamang ito ng halagang P45,000 para sa kanyang pekeng pagpapakasal.
 “Wala tayong nakitang mabuting resulta nito,” ayon kay tansingco. “Those who were victimized end up penniless, enslaved without pay by their pseudo partners. “Let us protect ourselves by making sure that we only work abroad through legal means,” dagdag pa nito. GENE ADSUARA.