• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigyan ng authority ang mga LGUs na direktang makipagnegosasyon sa sa mga COVID-19 vaccine manufacturers

Umapela si League of Provinces of the Philippines National President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., sa pamahalaan na bigyan ang mga LGUs ng malinaw na authority para direktang makipagnegosasyon sa mga COVID-19 vaccine manufacturers. 

 

Ayon kay Gov. Velasco, ama ni Speaker Lord Allan Velasco, batid naman niya na kailangan dumaan ang mga local governments sa national government bago makakuha ng sariling bakuna.

 

Tinukoy nito ang nakabinbing resolusyong inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na nagbibigay otorisasyon sa mga LGUs na direktang makipag-ugnayan sa mga vaccine suppliers para matiyak ang mabilis na pagkuha ng suplay ng bakuna sa mga constituents.

 

Ipinunto rin nito na naunang inihayag nila Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may nakareserbang bakuna para sa 70% ng populasyon ng bansa.

 

Giit pa ni Gov. Velasco, nais lamang nilang matiyak na ang bakunang bibilhin ng mga LGUs ay mapupunta sa mga constituents bukod pa ito sa 70% ng populasyon ng bansa na mababakunahan sa ilalim ng government procured na COVID-19 vaccines. (Ara Romero)