• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:43 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Big’ transport projects, makukumpleto ngayong 2025-PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang commitment ng kanyang administrasyon na tapusin ang mahahalagang transport projects sa loob ng taon.

Sa katunayan, target ni Pangulong Marcos na kumpletuhin ang malaking infrastructure projects, gaya ng Metro Manila Subway Project at i-upgrade ang Metro Rail Transit (MRT) system.

“Of course, we have the very big projects also. We have the subway projects. We will be able to open it na umabot na mapunta sa Valenzuela. We have the extension of the MRT. But these are long-term projects. But they will come,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pinakabagong episode ng kanyang podcast.

“We will start to see the completion of some of the phases by late this year, next year,” ang dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa rin niya na nakatuon ang kanyang pansin na gawing ‘ligtas, affordable, reliable at accessible’ sa lahat ang public transport.

Sa kabilang dako, simula Hunyo 20, ang mga estudyante na sumasakay ng MRT-3 at Light Rail Transit Lines 1 at 2 ay maaari nang maka-avail nang mas malaking discount kasunod ng kautusan ni Pangulong Marcos.

Naniniwala kasi ang Pangulo na ang itaas ang fare discounts para sa mga estudyante sa 50% mula sa nakalipas na 20% ay isang malaking tulong.

“Mas malaki kasi those are the sectors of the society na hirap sa cash. Estudyante, walang pera ang estudyante usually,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing “Ngayon, those are the things that we can do immediately.” (Daris Jose)