• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Big-time pusher natimbog ng PDEA, nakumpiska humigit kumulang sa 700g ng shabu

NATIMBOG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 26-anyos na lalaking nagbebenta ng droga sa ikinasang buy-bust operation noong July 28, 2025 bandang alas 4:55 ng hapon sa isang open mall parking sa Lungsod ng San Fernando Pampanga na nagresulta sa pagkakasamsam ng 700 gramo ng mechlorbushamine (hydrochloride) sa operasyon.

Ang nadakip na suspek na kinilala sa alyas na SATAR, 26 taong gulang, tubong Lanao Del Norte, ay pinaniniwalaang sangkot sa paglaganap ng iligal na droga sa Lungsod ng San Fernando.

Ang mga ilegal na substance (humigit-kumulang 700 gramo) ay inilagay sa loob ng pitong knot-tied transparent plastic bag na kinumpiska ng mga operating team kasama ang buy-bust money.

Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng collaborative effort sa pagitan ng PDEA CALABARZON Special Enforcement Team 1 (RSET I) at PDEA Pampanga Provincial Office sa pakikipag-ugnayan sa City of San Fernando Police Station.

Isang non-bailable offense sa ilalim ng section 5 (sale of dangerous drugs) na may imposable penalty na habambuhay na pagkakakulong sa ilalim ng Republic Act 9165 ang kakasuhan laban sa naarestong suspek. (PAUL JOHN REYES)