• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Big break na napasama sa ‘Widows’ War’: BRENT, nag-trending dahil sa husay nang pagganap bilang Peter

BIG break para sa Sparkle artist na si Brent Valdez ang ‘Widows’ War’ ng GMA Prime

 

Gumaganap si Brent bilang si Peter na isang impostor na Palacios. Habol niya ay ang nakuha ng malaking pera sa kanyang mga amo.

 

Nag-trending si Brent sa social media dahil sa husay nang pagganap nito. Siya rin ang hula ng maraming netizens na pumatay kay Basil (Benjamin Alves) at Beverly (Bianca Manalo).

 

Taong 2015 nung sumali si Brent sa reality talent show ng GMA na To The Top. Di man siya sinuwerte na manalo, pero kinuha siya para umawit ng ilang teleserye theme songs. Naging member din siya ng GMA boy band na One Up.

 

Lumabas din si Brent sa mga teleserye na ‘Beautiful Justice’, ‘Legal Wives’, at ‘Artikulo 247’.

 

***

 

PINAG-UUSAPAN na ng engaged couple na sina Zoe Kravitz at Channing Tatum ang pagpapakasal.

 

Very supportive ang ama ni Zoe na si Lenny Kravitz sa relasyon ng dalawa. Sana raw ay mabigyan na siya nito ng apo.

 

“There’s a lot of pressure on women to have children, and there’s a feeling that if you don’t, you don’t have purpose here,” sey ni Zoe na hindi nagkaroon ng anak sa ex-husband niyang si Karl Glusman.

 

Si Channing ay may daughter from ex-wife Jenna Dewan.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)