BI, prayoridad ang agarang deportasyon sa mga naarestong POGO workers
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
KASUNOD ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa total ban ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na madaliin ang pagpapa-deport sa mga dayuhan na sangkot sa illegal operations.
Paliwanag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mabilis na pagpapa-deport sa kanila ang prayoridad ng ahensiya habang klinaro din ang paggamit ng ticket na may flights para sa kanilang deportation.
“The longer they stay in the country waiting for schedules, the longer the government shoulders the cost of their detention,” ayon kay Viado.
“We take whatever is available because our priority is to send them out of the country at the soonest possible time.”
Paliwanag na Viado na ang deportation procedures ay nangangailangan ng tatlong mahahalagang dokumento; isang valid passport o travel document, isang National Bureau of Investigation (NBI) clearance upang masigurong waang pending accountability, at outbound ticket.
Upang mapabilis ang proseso, nakipag-coordinate ang BI Deportation and Implementation Unit sa NBI para mapabilis ang pagpoproseso ng clearances sa loob lamang ng isang araw.
“We all want the same thing—for them to leave our country as quickly as possible,” ayon kay Viado.
Binigyan diin ng BI ang naunang kaso noong Enero kung saan grupo ng mga deportees ang mabilis na napauwi sa kanilang bansa sa loob lamang ng isang linggo na patunay lamang ang commitment ahensiya para sa mabilisang deportasyon.
“If we can do it fast, we will find ways to do it even faster,” ayon pa kay Viado. (Gene Adsuara)