BI, hindi sangkot sa paglabas ni GUO sa backdoor
- Published on March 5, 2025
- by Peoples Balita
KINUMPIRMA ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado base sa resulta ng inisyal na imbestigasyon na walang personnel sa kanilang ahensiya ang sangkot sa illegal na paglabas ni Guo.
Ito ang pahayag ni Viado sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights hinggil sa pagtakas ni Guo.
Sa isinagawang pagdinig, kinumpira ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na tumakas ito gamit ang backdoor sa Southernmost bahagi ng bansa.
Pahayag ni Viado na ang mga private coastlines at airstrips ay hindi binabantayan ng BI, kundi sa ilalim ng local government units (LGUs) at local law enforcement agencies (LEAs), pero inaabuso naman ito ng ilang individual.
Ginagamit din ito ang backdoor exit na mambiktima ng trafficking na humahantong sa pagpapahirap sa mga manggagawa.
Pinasalamatan naman ni Viado ang Inter-agency Council Against Trafficking (IACAT) sa pagtulong sa pagsugpo sa illegal backdoor exits.
“The misuse of backdoor exits has reportedly been a tactic to evade proper inspection by authorities,” ayon kay Viado. “We commend IACAT for uniting member agencies to effectively address this national security concern.” (Gene Adsuara)