• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:06 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BHW Protection Act, inihain ni Cong. Erice

INIHAIN ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar Erice ang isang panukalang batas na layong magpapalakas. magpo-protekta at magpapahalaga sa mga Barangay Health Workers (BHWs).

Ayon kay Cong. Erice, ang house Bill No. 4905 o “BHW Welfare, Protection and Deployment Standardization Act of 2025” ay layong tiyakin nito na may sapat na sahod, benepisyo, at proteksyon sa mga BHWs na unang sandigan ng bawat pamilyang Pilipino sa serbisyong pangkalusugan.

Hatid aniya ng panukalang ito ang DOH supervision na ililipat sa Department of Health ang pamamahala para siguradong patas at walang halong pulitika, salary Grade 6 (minimum pay) na may regular na suweldo at malinaw na landas para sa promosyon, at standardized benefits na may kasamang hazard pay, PhilHealth, SSS, Pag-IBIG, insurance, at service leave.

Kabilang din sa panukala ang sapat na bilang ng BHW sa bawat barangay upang matugunan ang pangangailangan ng komunidad, proteksyon laban sa political harassment na hindi basta matatanggal o mawawalan ng benepisyo dahil lamang sa pulitika at security of tenure na permanenteng posisyon matapos ang limang taon ng tuloy-tuloy na serbisyo.

Sinabi ni Cong. Erice na ang kasalukuyang kalagayan ng BHWs ay maliit lang ang allowance, walang sapat na benepisyo, madaling matanggal dahil lang sa pulitika at pagbabago ng pamunuan sa barangay o LGU, kulang sa suporta at malinaw na seguridad sa trabaho.

“Sa pagpapalakas ng ating mga BHWs, pinapalakas din natin ang pundasyon ng kalusugan sa bawat tahanan” ani mambabatas. (Richard Mesa)