• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:50 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bebot na wanted sa 29 bilang ng qualified theft sa Pasig, nabitag sa Valenzuela 

NASUKOL ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa pina-igting na operation kontra wanted persons sa Lungsod ng Valenzuela ang isang babae na wanted sa Pasig City.
Sa ulat, nakatanggap ng tip mula sa isang mapagkatiwalaang importante ang mga tauhan ni NPD Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio na nagtatago umano sa Valenzuela City ang 29-anyos na bebot na si alyas “Lota”.
Napag-alaman ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion–Intelligence Section ng NPD na ang akusado ay kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) ng Pasig City Police Station kaya agad nilang ikinasa ang pagtugis kay alyas “Lota”.
Bandang alas-2:40 ng madaling araw nang tuluyang matunton ng mga tauhan ni Gen. Protacio ang akusado sa kanyang tinutuluyan sa Phase II, Libis Street, Barangay Canumay East.
Ang akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trail Court (RTC) Branch 166, Pasig City noong February 26, 2025 para sa Qualified Theft (29 Counts).
Ayon kay BGen. Protacio, may inirekomendang piyansa naman ang korte na halagang P1,044,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)