Base sa ikinikilos ng Kapuso aktres: BEA, walang dudang sila na uli ni DOMINIC ‘di lang inaamin
- Published on April 5, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI naniniwala ang source namin na hindi nagkabalikan sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ayon pa sa kanya, kilalang-kilala raw niya si Bea dahil matagal na rin daw naman siyang malapit sa aktres nang mga panahon alaga pa ng Kapamilya ito.
Sa mga kınıkilos daw ngayon ni Bea ay walang dudang sila na raw muli Dominic, huh!
May post pa nga si Dominic sa instagram na nakadagdag sa isyung nagkabalikan na nga ang dalawa.
Siyempre, hindi raw naman agad-agad na aamin si Bea at parang hinay-hinay lang daw sa ngayon.
Ang credibility nga naman di ba?
Well…
***
KINILALA muli ang ABS-CBN bilang isa sa most trusted brands and for the nth time.
Ang istasyon pa rin ang nakakuha ng Gold Award sa Reader’s Digest Trusted Brands Awards 2024, huh!
Maliban sa pagiging Pinagkatiwalaang TV Network sa bansa, kinilala pa rin ang kapamilya network sa innovation nito bilang global storytelling company at ang misting magbigay ng serbisyo sa mga Pilipinas sa pagbibigay ng saya at paghahatid ng mga Balita.
Anyway, for the 6th consecutive years ay ang “It’s Showtime” host pa rin Vice Ganda ang pinag kalooban ng “Most Trusted Entertainment and Variety presenter”
Si Noli De Castro naman ang nagwaging “Most Trusted Radio Presenter”.
(JIMI C. ESCALA)