BARKO NG BFAR, BINOMBA NG TUBIG NG CHINA COAST GUARD
- Published on October 13, 2025
- by @peoplesbalita
BINOMBA ng water cannon ng China Coast Gurad (CCG) ang dalawang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa Pag-asa island noong Linggo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commododre Jay Tarriela, na unang iniulat na ang BRP Datu Pagbuaya lamang ang direktang tinaman ng CCG21559.
Ngunit maging ang BRP Datu Bankaw ay binomba rin ng tubig ng CCG habang nagsagawa rin ng mapanganib na maniobra laban sa BRP Datu Sanday.
Ayon kay Tarriela, katatanggap lang nila ang report mula sa BFAR.
Binanggit din niya na ang BRP Datu Pagbuaya lamang ang direktang tinaman at nagkaroon ng makabuluhang epekto mula sa barko ng China sa kanilang pangha-harass.
Sinabi ni Tarriela na ang tatlong barko ng BFAR ay ipinadala sa Pag-asa Island para sa “Kadiwa ng Bagong bayaning mangingisda (KBBM) program upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang Pinoy doon.
Limang CCG vessels ang pumasok sa katubigang sakop ng Pag-asa Island –ang CCG vessel 5102, 21559, 5009, 3305, at 23519.
Namataan din ang nasa higit 15 Chinese maritime militia vessels sa baybayin. (Gene Adsuara)