• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:22 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bar examinees, exempted sa number coding – MMDA

INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na exempted sa umiiral na number coding ang mga sasakyan ng bar examinees sa Setyembre 10 upang hindi maantala sa pagtungo sa kani-kanilang testing centers.

“In line with the upcoming Philippine Bar Examinations on September 10, 2025, and to ensure that examinees are able to arrive at their respective testing venues without undue delay, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) informs the public that all Bar Examinees are exempted from the Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) or number coding­ scheme,” ayon sa MMDA na naka-post sa social media nitong Miyerkules, Set­yembre 3.

Ayon sa MMDA, kailangan na naka-display ang Bar Exam Permit ng mga bar examinees sa windshield upang malaman na exempted sa number coding.

Inilabas din ng Office of the 2025 Bar Chairperson ang guidelines sa number coding para sa Bar examinees, na ang exemption ay para sa mga bumibiyahe papunta at pabalik ng Bar exam centers sa Manila, Taguig, Quezon City at Muntinlupa. Gaganapin ang mga pagsusulit sa September 7, Linggo; Sept. 10, Miyerkules; at Sept. 14, Linggo.