Banta ng Tsina na ide-detain ang mga mangingisda sa WPS , ‘act of escalation’- PBBM
- Published on May 31, 2024
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “act of escalation” ang banta ng Tsina na ide-detain ang mga ‘trespassers’ sa West Philippine Sea (WPS).
Sa panayam ng mga mamamahayag sa sidelines ng kanyang state visit sa Brunei Darussalam, inilarawan ni Pangulong Marcos ang banta ng Tsina bilang “different policy at worrisome development.”
“The new policy of threatening to detain our own citizens, that is different. That is an escalation of the situation. So, yes, it is now very worrisome,” ang sinabi ng Pangulo.
Nauna rito, hiningan ng reaksyon ang Pangulo ukol sa four-month fishing ban ng Tsina sa South China Sea, kabilang na ang bahagi ng WPS.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang aksyon ng Tsina ay “just an extension again of their claim that this is all the maritime territory of China.” sabay sabing “So, it’s nothing new.”
“There are sometimes fishing bans because it’s the season. And this is something that we have actually agreed upon before,” dagdag na wika ng Pangulo.
Samantala, napaulat na nagpalabas ang Chinese government ng regulasyon makaraan ang kamakailan lamang na pagtatapos ng civilian resupply mission sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS. (Daris Jose)