Banat ni Cong. Barzaga, pinalagan ng Coast Guard
- Published on October 30, 2025
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang video post ni Cavite Congressman Kiko Barzaga na umano’y “sumisira sa integridad at propesyonalismo” ng PCG.
Naglalaman ng mapanlinlang at nakakapinsalang pahayag na nagpapababa sa kredibilidad ng institusyon ang naturang video, ayon kay PCG West Philippine Sea Spokesperson Commodore Jay Tarriela,
Sinabi ni Tarriela na ang mga sinabi ni Barzaga na ang operasyon ng PCG sa West Philippine Sea ay walang silbi at posibleng magdulot ng “World War III.”
Ayon sa opisyal, bahagi ng mandato ng PCG ang protektahan ang soberanya ng bansa, ang mga mangingisda, at ang ating karagatan — hindi ito provocation kundi tungkulin ng patriotismo.
Sinabi pa ni Tarriela na ang paratang ng mambabatas na korap at dapat ipasara ang PCG ay “irresponsable at insulto” .
Giit niya,malinaw sa batas na ang PCG ay civilian maritime organization at hindi military unit.
Nanindigan ang Coast Guard na mananatili silang tapat sa mandato, maglilingkod nang may integridad, at hindi papaapekto sa pulitika o disinformation. (Gene Adsuara)