• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:03 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitang ipinagpalit sa rich guy from Cebu: JAKE, wala pang pahayag sa paghihiwalay nila ni CHIE

MAY tama at may mali sa bagong “pasabog” ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account.
Hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag si Jake Cuenca, pero last week ay may nakapagkuwento na sa amin na break na raw sina Jake at Chie. At ang rason ng break-up nila ay ang pagtsi-cheat ni Chie.
Yes, si Chie ang nag-cheat o nanloko kahit na sila pa ni Jake. May binigay na pangalan si Gaza sa kanyang post, isang Matt Lhuiller raw from Cebu ang diumano’y kinikita ni Chie.
May nasagap na rin kami na mayaman nga raw ang guy. Well, ang totoo sa post, yes, Chie Filomeno is a cheater. Pero yung humahagulgol si Jake, hindi makakain at ni hindi makaligo, isang kalokohan.
Kilala namin si Jake ever since, kaya alam naming walang katotohanan. Una, bising-bisi ito sa taping ng bagong serye, ang “What Lies Beaneath.”
Hindi rin ugali ni Jake na magkuwento ng hindi maganda sa ex niya. Pero tingnan natin this time kung may masasabi na siya.
***
MAY kutob kaming “kating-kati” siguro si Angel Locsin na lumabas at maki-join sa ginanap na rally noong Linggo,
Knowing Angel, hindi ‘yan uurong lalo na at feeling niya ay para sa bayan. Pero walang-duda na mas malakas pa rin ang tawag ng pag-isolate niya.
Brineyk ni Angel ang social media hiatus niya.
“Today, I’m breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption– may God give you more strength to keep going.
“Watching the hearings, I couldn’t help but remember the messages and news and begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods/typhoons.
“Naiiyak ako sa galit, kasi pwede pa lang hindi sila naghihirap. Pwede pa lang walang nasaktan. Pwede pa lang walang namatay.
“Ang bigat. Nakakapanghina yung ganitong kasamaan. Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”
(ROSE GARCIA)