Balik-TV after mag-host ng beauty pageants: LANCE, na-challenge na kaeksena sina RURU, SHERYL, RICHARD at ARIELLA
- Published on May 8, 2025
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang sunud-sunod na pagho-host ng mga international beauty pageants, balik-TV na si Lance Raymundo.Matatandaan na nag-host siya sa Miss Teen International in Cambodia, Miss Teen Universe in Colombia at Miss Universe India.
World-class host naman kasi si Lance kaya in-demand siya sa mga international events.
Recently ay bumalik nga siya sa totoong mahal niya, ang pag-arte. Nakapag-guest si Lance sa “Lolong Season 2” sa GMA7 na pinagbibidahan ni Ruru Madrid kung saan ang role niya ay isang may kayang gang leader na tinangkang gahasain si Ariella Arida.
“Buti na lang at hindi naging awkward ang scene kasi siyempre, beauty queen si Ariella tapos rape scene, ” kuwento ni Lance.
“But it was executed well kasi magaling si Direk Rommel (Penesa). And of course, sa fight scene ay si Ruru ang kaharap ko who was really professional kaya smooth ang naging shoot.”
Pero ang ikinatutuwa talaga ni Lance ay ang paglabas niya sa TADHANA na Mother’s Love episode.
Challenging kasi ang role niya dahil maaksiyon.
“Pulis ako sa story pero ako din pala ang nagpapatakbo ng drug operation gamit ang mga students.
“Tapos may scene na natunton na kami ng mga kapwa ko pulis—and I had to jump from the balcony! May barilan at habulan scene pa so exciting talaga,” say pa niya.
Nag-enjoy nga raw si Lance sa mga eksena niya lalo pa at magagaling ang mga kasama niya na sina Sheryl Cruz at Richard Quan. Feel nga raw niya ang mga action scenes kaya sana masundan pa.
Say pa ni Lance, nasa 2 million views na din daw ang eksenang nilagay niya sa Tiktok kaya lalo siyang natuwa.
Hindi lang balik sa tv si Lance kundi balik din sa original manager niya na si Charlotte Dianco na isang filmmaker. Ayon nga sa actor-singer-host ay may dalawang movies na siyang naka-line up na magsisimula ito after the election.
(ROHN ROMULO)