• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik directing na sa Viva Films: XIAN, excited na ipapanood ang upcoming movie niya

BALIK directing ang hunk Kapuso actor na si Xian Lim and this time ay para sa Viva Films.

 

Si Xian mismo ang nag-announce nito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account tungkol sa upcoming project niyang “Kuman Thong.”

 

Ang Kuman Thong ay isang bagay na naglalaman raw ng makapangyarihang espiritu ng bata.

 

Lahad ni Xian, “I’ve been in complete hiatus working with my team on this upcoming film. I’m excited for you all to watch this.”

 

2019 ay gumawa ng pelikula si Xian sa unang pagkakataon bilang direktor, at 2022 naman nang makapag-direk siya ng isang episode ng “Magpakailanman.”

 

Katatapos lamang umere ng ‘Love. Die. Repeat.’ nina Xian at Jennylyn Mercado sa GMA.

***

 

WALANG paawat ang Korean invasion sa Pilipinas, huh!

 

Isa na sa mga bagong artist ng Sparkle family ang former member ng K-pop group na Momoland si Nancy McDonie.

 

In-announce ito ng Sparkle sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.

 

“Sparkle proudly welcomes its new international star, Nancy McDonie, to its diverse and stellar roster of talents.

 

“Get ready to witness her journey as she shines among the brightest stars in the industry! Welcome to Sparkle, Nancy,” ang pahayag ng Sparkle.

 

Year 2016 nang maging miyembro ng Momoland si Nancy na isang Korean-American singer.

 

Nabuwag ang girl group noong February 2023.

 

Pangalawa na si Nancy sa K-pop idol na naging talent ng Sparkle; noong 2022 ay kinontrata  ng Sparkle ang K-pop singer na si Chanty ng Lapillus.
(ROMMEL L. GONZALES)