• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bakit natatakot sa katotohanan?- Tingog Party-list Rep. Jude Acidre

ITO ang pagtatanong ni Deputy Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa ginawang hakbang ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hadlangan ang pagsasagawa ng impeachment trial.

 

“Transparency is fundamental in any democratic government. If Vice President Duterte has done nothing wrong, why is she so afraid of the truth? Blocking the impeachment process through the Supreme Court only raises more doubts,” ani Acidre.

 

Ayon sa mambabatas, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka umano ng VP ang ganitong mga hakbang.

Matatandaan aniya na sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara noong nakalipas na taon, nadiskubre na tinangka umanong hadlangan ng kanyang tanggapan ang Commission on Audit (COA) na ipalabas ang findings nito sa kontrobersiyal na ₱125-million confidential fund.

 

“This pattern is alarming. First, she tried to block COA’s report. Now, she wants to stop Congress from doing its job. What exactly is she trying to hide?” pagtatanong ni Acidre.

 

Iginiit nito na ang proseso ng impeachment ay isang constitutional mechanism upang masiguro na mayroong accountability o pananagutan ang mga high-ranking officials.

 

“No one is above the law—not even the Vice President. Instead of running to the courts to avoid scrutiny, she should face the process and answer the allegations fairly. The Filipino people deserve leaders who respect accountability, not those who run from it. Seeking to silence COA, and now Congress, sets a dangerous precedent. The Vice President must stop dodging the truth and start explaining herself to the public,” pagtatapos ni Acidre. (Vina de Guzman)