• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:34 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baka hindi kasi pansinin sa ICC kapag naghain ng petisyon:  Malakanyang, pinayuhan si Honasan na makipag-usap muna sa legal team ni Digong Team

PINAYUHAN ng Malakanyang si dating senador Gringo Honasan na makipag-usap muna sa legal team ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago ituloy ang plano nitong paghahain ng petisyon sa International Criminal Court (ICC).

Ang nasabing petisyon ay naglalayong pabalikin sa Pilipinas ang dating Pangulo na nasa kustodiya ngayon ng ICC sa The Hague dahil sa crimes against humanity na inihain laban sa kanya.

“Well, karapatan naman po niya kung anong nais niyang gawin, para ipagtanggol ang dating Pangulong Duterte, pero mas mainam po siguro makipag-usap muna siya sa legal team ni dating Pangulong Duterte, baka hindi naman po siya pansinin sa ICC,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Sa panig naman aniya ng pamahalaan, sa panig ng administrasyon ay sinabi ni Castro na wala silang gagawin patungkol sa legal procedure ng ICC.

“Dahil walang responsibilidad ang gobyerno at po tayong—wala na po tayong responsibilidad, wala po tayong gagawin anuman patungkol po sa legal system, legal procedures ng ICC,” dagdag na pahayag ni Castro.

Samantala bukod kay Honasan, makakasama nito sa maghahaing petisyon sa ICC ang anak ni dating Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sa ulat, sinabi ni Honasan na Honasan na ang petisyon ay ihahain sa pamamagitan ng people’s initiative signature campaign.

“This petition is in accordance with the rules and regulations of the ICC, allowing the people to participate directly in the ongoing proceedings,” ayon kay Honasan.

“We aim to gather as many signatures as possible and extend invitations to other organizations to join us in our efforts to bring back Former President Rodrigo Duterte and uphold the sovereignty of our laws, courts, and the dignity of the Filipino nation,” dagdag na wika ng dating senador. (Daris Jose)