• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong gusali ng PLM College of Allied and Health Sciences, planong ipatayo

PLANONG magpapatayo ni Manila Mayor Isko Moreno ng bagong gusali para sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Allied Health Sciences upang palawakin ang kapasidad ng unibersidad sa pagsasanay ng mga doktor, nars, at iba pang health professionals.

Ginawa ni Moreno ang pahayag sa 57th Commencement Exercises ng PLM kung saan sinabi niyang magiging karagdagang tahanan ng mga estudyante sa larangan ng medisina at health sciences ang nasabing pasilidad.

Bahagi ito ng pangmatagalang programa ng lungsod para palakasin ang kalidad ng edukasyon, lalo na sa medical at allied fields.

Matatandaang inanunsyo rin ng alkalde na ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila ay gagawing PLM Academic Building for Health Sciences.

Ayon kay Moreno, layunin niyang gawing sentro ng kahusayan ang PLM at patuloy na maglaan ng pondo para sa edukasyon sa lungsod ng Maynila. (Gene Adsuara)