• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong flavor ng beer, inilabas ng SMB

DAHIL New Year, New Beer. Kaya naman naglabas ang pamunuan ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) na isang refreshing drink ngayong 2026 sa pamamagitan ng pagbuo ng San Miguel Mango Yuzu.
Taglay ng San Miguel Mango Yuzu ang 5% alcohol na humahalo sa wheat beer at nagbibigay ng lasa at sarap ang manga at juicy zest ng yuzu na lasang natural na fruit juice in Belgian-style wheat beer.
Tiyak na pasok sa panlasa ng mga Pinoy ang tropical fruit juice na manga na hinaluan ng wheat beer at tiyak na magugustuhan ang bagong alcohol- beverage products ng SMB.
Ito ay limited time offer only sa mga piling bars, restaurants, supermarkets, at ilang convenience stores o maaaring umorder sa SMB Delivers via 8632-BEER (2337).
(Richard Mesa)