• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:27 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong DOTr Secretary inutusan ang LTO na gawin sa loob ng 3 araw ang license plates ng mga bagong rehistradong sasakyan

INUTUSAN ng bagong Department of Transportation (DOTr) sa katauhan ni Secretary Vince Dizon ang Land Transportation Office (LTO) na bigyan ng license plates ang mga bagong sasakyan sa loob ng tatlong (3) araw lamang.

 

     Matapos lamang ang isang lingo matapos batikusin ang LTO dahil sa mabagal ng paglabas ng mga license plates, hinamon naman niya ang LTO na ipatupad ang mabilis na pagbibigay ng license plates sa mga bagong sasakyan sa loob ng three working days.

 

     “Can we make sure that moving forward, that will not happen again? Can we ensure that in 24, 48, or 72 hours, they get their plates? Both motorcycles and four-wheeled vehicles. We will post that challenge and see if the LTO can deliver,” hamon ni Dizon sa isang panayam.

 

     Piniga rin ang LTO upang kanilang iresolba ang madaming backlog na 9 milyon unissued motorcycle plates mula noong taong 2014.

 

     Ayon sa Commission on Audit (COA) na naglabas ng bagong report na ang LTO ay may higit sa 9.1 milyon na license plates ng mga motorcyles na sa hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas mula pa ng 2023.

 

     Dagdag ng COA na ang dahilan ay gawa sa kakulangan sa pondo, pagkabalam sa procurement, at mga logistical lapses kung kaya’t maraming registrants na kahit na nagbayad ay wala pa rin natatangap ng license plates at naghihintay ng madaming taon na upang magkuha ito.

 

     “In addition to motorcycle plates, COA found that 1.69 million pairs of motor vehicle replacement plates which have paid for by registrants as early as 2015 have yet to be produced and distributed. These undelivered plates amount to staggering P763.55 million in fees collected without fulfillment,” saad ni Dizon.

 

     Sinabi rin ni Dizaon na dapat ay malinaw ang pagkakaron ng accountability kayat sinabi niya ang plano na dapat ay magkaron ng istriktong deadlines para sa LTO dahil kung walang malinaw na deadline ay tiyak na magkakaroon ng inefficiencies sa serbisyo ng ahensya.

 

     “Because it there is no deadline, naturally, you will just take it easy and will not feel any pressure. But if there is a deadline, at the very least, you will be driven to push forward,” saad ni Dizon.

 

     Tinatanggap naman ng LTO na may ganitong talagang problema sa sistema kung kaya’t kanilang ginawan na ng request ang Department of Budget (DBM) para sa kaulang P2.1 bilyon na pondo upang mawala na ang backlog mula 2014 hanggang 2022.

 

     Sinabihan din ng COA ang LTO na pabilisin ang produksyon upang masiguro na makukuha ng mga rehistradong sasakyan ang kanilang rightful na license plates. Nagbigay din ng rekomendasyon ang COA na makipagugnayan sa DBM para sa mabilis na pagbigay ng pondo at maghanap ng mga solusyon upang maiwasan ang pagkabalam sa mga darating na panahon.

 

     Samantala, natuwa naman ang grupong Akbayan Party-list dahil sa openness ni Dizon na pahabain ang operating hours ng Light Rail Transit 1 & 2 at Metro Rail Transit Line 3 (MRT3). Hiniling ng grupo na pahabain ang operating hours ng mga nasabing railways hanggang hatinggabi.

 

     Si Senator Grace Poe naman ay pinapurihan si Dizon dahil sa pagdinig ng kahilingan ng Senado na magkaron ng pagrerepaso ng public transport modernization program ng pamahalan. LASACMAR