Bagong Commissioner ng COMELEC, nanumpa na
- Published on February 13, 2025
- by Peoples Balita
PORMAL nang nanumpa bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec) si Atty. Noli Avelino Pipo.
Si Atty. Pipo ay papalit sa nabakanteng puwesto ng nagretirong si Commisioner Marlon Casquejo.
Magiging miyembro ng 2nd division ng poll body si Pipo na naging Director din ng Comelec sa Ilocos Region.
Pinalitan din ng Comelec legal department head Atty. Maria Norina Tangaro- Casingal ang nagretirong si Commissioner Socorro Inting.
Kumpleto na ang anim na commissioner ng Commission on Elections na tututok sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 2025.
Si Commissioner Casingal ay naglingkod sa komisyon ng mahigit 2 dekada habang si commissioner Pipo naman ay mahigit 3 dekada na sa serbisyo.
Sa pagkakatalaga ng dalawang bagong commissioner, nakumpleto na ang anim na commissioner ng poll body na tututok sa halalan 2025.
Sinabi ni Comelec Chairma George Garcia na naging lamang nina Casingal at Pipo sa 200 aplikante ang pagiging insider .
Umaasa naman ang dalawang bagong commissioner na lulusot sa plenaryo ng Commission on Appointment o COA ang kanilang ad interim appointment. (Gene Adsuara)