Bagong CA Justice, isang Malacanang official
- Published on January 28, 2022
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senior Deputy Executive Secretary Michael Pastores Ong, isang Malacanang official bilang bagong Associate Justice ng Court of Appeals.
Pinalitan ni Ong si Samuel Gaerlan na ngayon ay SC Associate Justice
Si Ong , nagsilbi ng 15 taon sa gobyerno ay pinangalanan bilang bagong associate justice base sa transmittal ng kanyang appointment letter sa Supreme Court.
Nanumpa sa kanyang tungkulin si Ong sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo, kahapon, araw ng Huwebes.
Si Ong ay isang economics degree holder mula sa ADMU at bahagi ng College of Law Class of 2002.
Unang nagsilbi si Ong bilang court attorney para kay dating Supreme Court Associate Justice at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Isa rin siyang corporate legal counsel ng PNOC Exploration Corporation.
Kasama si Ong sa Office of the President noong panahon ng administrasyon ng namayapang Pangulong Benigno Aquino III.
Nagsilbi rin siya sa Office of the Chief Presidential Legal Counsel at pagkatapos ay sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
Siya rin ay naging Deputy Executive Secretary for General Affairs bago pa itinalaga bilang Senior Deputy Executive Secretary noong 2018.