• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios.

 

 

Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling.

 

 

Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17.

 

 

Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin niya ang pagpositibo sa COVID-19.

 

 

Kasalukuyan na itong naka-isolate at nagpapagaling.