Australian national na ginagamit ng iba’t ibang pagkakakilanlan, arestado
- Published on September 20, 2025
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) at Makati Police ang isang Australian national dahil sa paggamit ng iba’t ibang pekeng pagkakakilanlan at overstaying sa Makati City.
Ayon sa nagrereklamo, si Camphell ay may aliases na Dio Munro at Daniel John at gumagamit ng mga pekeng immigration documents kaya gusto niya itong ipa-deport.
Dagdag pa ng nagrereklamo na si Camphell ay nasangkot din sa droga at may kaso rin ng pag-aabuso.
Sa ulat ng Australian Embassy si Camphell ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 laban sa kanyang live-in partner noong 2021..
Ayon naman sa BI database, pumasok sa bansa si Camphell noong February 22 gamit ang isang Australian passport pero unang ginamit ang isang Seychelles passport. Nakapasok siya sa bansa bilang temporary visitor subalit hindi nag-apply ng visa extension kaya’t maituturing siyang overstaying.
Kinumpirma rin ng United States Drug Enforcement Administration (DEA) na si Camphel ay iniimbestigahan sa money laundering at narcotics trafficking at umano’y kasama siya sa isang motorcycle gang at gumagamit ng pekeng US drivers license.
(Gene Adsuara)