ARJO ATAYDE, NAGPAKITA NG SUPORTA SA BARANGAY VASRA
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
BUMISITA kamakailan si Arjo Atayde sa Barangay Vasra, Quezon City upang tumulong sa proyektong Community Feeding ni Mayor Joy Belmonte ng Lungsod na ito.
Siya ay sinalubong ng mga nanay ng taga-Day Care Center kasama ang kanilang Barangay Kagawad na si Ding Antenor, bukod pa rito ay bumaba rin sa iba’t ibang barangay ng Distrito Uno ang nasabing aktor upang sumuporta sa nasabing proyekto.
Bukod sa pagbisita sa Barangay Vasra ay mainit nilang binati ni Kagawad Ding Antenor ng Happy Mother’s Day ang mga nanay sa Day Care Center na ikinatuwa ng mga ito, kasabay ang pagbati sa butihing Mayor ng Quezon City, Mayor Joy Belmonte.
Si Arjo ay isa sa hinahangaang artista ng Kapamilya network at kasalukuyan niyang kasintahan ang Eat Bulaga host na si Maine Mendoza.