Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumaba – OCTA
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
Bumaba ang average number ng bagong COVID-19 case sa National Capital Region ng 23% o 1,023 batay sa ulat ng OCTA Research group.
Ang pagbaba ng kaso ay mula noong Mayo 20-26 na may average daily attack rate na 7.41.
Una nang naiulat ng OCTA na ang NCR ay umalagwa na sa kundisyon mula sa pagiging isang high risk ay moderate risk area na sa COVID-19.
Samantala ang positivity rate ay bumaba sa 10% mula Mayo 19-25, o bahagyang pagtaas sa target na mababa sa 5%.
Nakapagtala naman ang OCTA ng reproduction number na 0.52 sa nakalipas na linggo na indikasyon ng patuloy na pagdami ng nahahawa sa virus.
Nasa 42% ang healthcare utilization rate sa NCR habang ang ICU occupancy ay 57%.
Samantala,nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,483 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), noong Huwebes, kung kaya nasa 1,200,430 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,200,430
- Nagpapagaling pa: 48,109, o 4% ng total infections
- Kagagaling lang: 4,335, dahilan para maging 1,131,942 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 210, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 20,379
(GENE ADSUARA)