• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apat na taon na ang relasyon nila ni Derrick… ELLE, ‘di pa ready na magpakasal dahil marami pang gustong ma-achieve

APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at nobyong si Derrick Monasterio.
Pero ayon mismo kay Elle ay hindi pa siya ready na magpakasal kay Derrick.
Lahad niya, “Parang hindi pa. Gusto ko pa nang achievement, more achievement pa.
“And contented. Actually contentment, may contentment na ako sa life.
“But then I feel like I wanna do more before I settle.”
May ideal na edad ba siya para mag-asawa?
“Alam mo, sabi ko nung una, by twenty-four, gusto ko nang ikasal. Gusto ko ng magkaroon ng baby. “Tapos naging twenty-eight. Tapos ngayon naging thirty na.”Thirty, I just turned thirty. So paiba-iba, e. Alam mong mararamdaman mo naman when is the right time.
“I don’t wanna dictate an age kasi ikaw lang yung ma-pressure, di ba? So iyon.
“Walang specific age for me sa ngayon, kung kailan ko lang mararamdaman.”
Kung si Derrick naman ang tatanungin…
“Ako? Wala. Naka-base ako sa kanya,” reaksyon ng Sparkle actor.
“It’s important for her to, to grow on her own, na ma-achieve pa niya ang mga dapat niyang ma-achieve.
“Siyempre, ako, patient lang naman ako. Basta I’ll do what I do.
“Gagalingan ko sa lahat ng bagay at ita-try kong maging… ita-try kong mag-save for our future.
“Para pag ready na siya, ready na ako.”
Handa na ba si Derrick ngayon?
“Ah, ngayon, ready na ako,” mabilis na sagot ng binata.
Bida sina Elle at Derrick sa GMA Afternoon Prime series na ‘Apoy sa Dugo’ na umeere na ngayon.
Tampok rin sa serye sina Ashley Ortega, Pinky Amador, Thea Tolentino, Cai Cortez, Patricia Coma, Ricardo Cepeda, Toniyuh at Larkin Castor, sa direksiyon ni Ralfh Manuel Malabunga.

(ROMMEL L. GONZALES)