• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Antipolo Cathedral naghahanda para sa pagiging International Shrine na

NAGHAHANDA  na ang Antipolo Cathedral para sa pormal na paggawad sa kanila bilang unang International Shrine ng bansa.

 

 

Isasagawa ito sa darating Marso 25, 2023 matapos na kumpirmahin sa kanila ng Holy See.

 

 

Sa nasabing petsa ay kasabay nito ang Solemnity of the Annunciation of the Lord at ang anibersaryo din ng pag-alis ng sacred image ng Our Lady of Peace and Good Voyage mula sa Acapulco, Mexico patungo sa Pilipinas.

 

 

Ang nasabing imahe ni Mama Mary ay inilagay na sa cathedral ay mula noon ay yun na ang dinarayo ng mga devotees sa kasaysayan ng Antipolo.