Animam, SHU nagreyna
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
NAKADALE na naman ng isang kampeonato si Jack Danielle Animam sa kanyang playing career nang pangunahan ang pamamayagpag ng Shin Hsin University sa 2020-21 University Basketball Alliance championship nitong LInggo sa Taiwan.
Dinispatsa ni Animam at ng SHU ang National Taiwan Normal, 70-51, sa finals sa Taipei Arena kung saan nanalanta ang Philippine national player o Gilas Pilipinas Women member ng 18 points, 20 rebounds at four assists.
Ito ang ikalawang sunod kampeonato ng Shin Hsin sa liga, na rito’y naglalarong import ng nasabing kolehiyo ang 22-anyos, may taas na 65 at isinilangng sa Bulacan na basketbolista.
Kakabida lang din ni Animam sa National University Lady Bulldogs na nag-six-peat crown sa 82nd University Athletic Association of the Philippines 2019-20 women’s hoop din. (REC)