ANDREA, loveless pa rin at ‘di priority na magka-boyfriend
- Published on December 24, 2025
- by @peoplesbalita
UNANG beses na may pelikula si Andrea Brillantes na entry sa Metro Manila Film Festival at ito ay ang ‘Rekonek’ kung saan kasama niya sina Gerald Anderson, Bela Padilla, Gloria Diaz, Charlie Dizon, Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, Alexa Miro among others.
“Nag-focus ako mag-film ng movies. Meron din po akong entry for MMFF ngayon, iyon yung Rekonek. “So ayun siya, excited din ako for that.
“That’s my first MMFF film. And super happy ako sa pag-film nun kasi yun yung first role ko na hindi ako ganun ka-dramatic… as in, please panoorin niyo.
“It’s a Christmas family film pero umiikot yung story sa anong mangyayari kapag nawalan ng internet.”
Ano ang gagawin niya kung sa tunay na buhay ay mawalan ng internet?
“As Andrea Brillantes, mai-stress ako,” bulalas ng dalaga.
“Paano yung mga posting ko? Kukulitin ako ng mga brands sa mga commitment ko sa kanila.”
Pero mae-enjoy rin naman daw niya ang kawalan ng wifi para mas maka-bonding at mag-reconnect sa pamilya niya at mga mahal sa buhay.
“As Blythe, ay, masaya ako! Masaya ako walang internet. Tahimik.
“Oo, lalabas ako. Makiki-reconnect ako with people talaga.
”As Blythe, di ako ma-post. Ma-post lang ako may close friends lang ganyan.
“Pero hindi din masyado. May mga private account ko, of course, but I don’t really use them.”
Sa direksyon ni Jade Castro, ang ‘Rekonek’ ay produced ni Gerald Anderson katuwang ang Reality MM Studios at palabas sa mga sinehan ngayong December 25.
Loveless si Andrea ngayon at okay iyon sa kanya.
“Hindi ko priority now!
“Wala, but it’s okay.
“Hindi din kasi yun yung iniisip ko. Hindi talaga yun yung priority ko ngayon.”
Tungkol sa mga nagbabalak na manligaw sa kanya.
“Kung na-intimidate sila, di ko yun fault. So, like, kung gusto nila talaga ako, tapangan niyo. E di ibig sabihin maso-short list na kung sino ba talaga yung the one for me, ganun.
”Tapang-tapang ko, e… So kailangan, yun ang natutunan ko, kailangan ko ng mas malakas sa akin, I think,” pahayag pa ni Andrea.
(ROMMEL L. GONZALES)