Anak ni Pangulong Marcos pamumunuan Bagong Pilipinas Youth
- Published on August 18, 2025
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ng bunsong anak ni PanguĀlong Ferdinand Marcos Jr. na si Vinny Marcos ang paglulunsad ng “Bagong Pilipinas Youth” na naglalayong maging mga aktibong tagapagbago ng lipunan.
Sinabi ng batang Marcos na ang nasabing grupo ay naghihikayat sa mga kabataang Pilipino na huwag na maghintay ng mga oportunidad at sa halip ay manguna sa paggawa nito.
Nagbibigay din aniya ito ng plataporma at suporta sa mga kabataan sa civic engagement, education, leadership development at innovation.
Nitong Sabado ay pinangunahan ni Vinny ang pagbubukas ng Bagong Pilipinas Youth Hub bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2025 festivities.
Inilalarawan ang hub bilang collaborative center kung saan ang mga kabataan ay maaaring magtipon para mag-brainstorm, build at magbigay ng mga ideas sa buhay.
Iprinisinta ni Marcos ang mga youth-geneĀrated project proposals tulad ng Youth Voters Registration Hub, buwanang “Youth Hangouts” para pag-usapan ang mga mahahalagang isyu at iba pa.
Iginiit din ni Vinny ang kahalagahan ng multi-sectoral collaboration para masiguro ang tagumpay ng mga kabataan. (Daris Jose)