• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino

NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si  Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2.

 

Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza at 3-of-3 sa finals at inokray nina program main host/comedian Vic Sotto at co-host Jose Manalo at Paolo Ballesteros na mga komedyante rin.

 

Kinakitaan din ng galang ang batang Pacquiao na nangangarap maging professional basketball player nang matanong ni Sotto “kung nagta-Tagalog” na agad naman niyang tinugon ng “opo”

 

Nadadalas na ang pagbisita sa pananghaliang programa ang mga personahe sa sports na klik naman sa mga manonood.

 

Kamakailan lang sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Arwind Santos ng San Miguel Beer at James Carlos Yap Sr. ng Rain or Shine ang mga naging kalahok sa nasabing portion ng show. (REC)