All-out support ng mayorya ng 3 million botante ng Eastern Visayas sa buong Alyansa senatorial slate
- Published on May 12, 2025
- by @peoplesbalita
MULING kinumpirma ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang malakas na suporta ng mahigit sa tatlong milyong boto mula sa Eastern Visayas para sa lahat ng senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
“All out support ang Region 8 para sa Alyansa senatorial slate pahayag ni Romualdez kasunod ng Region 8 unity rally sa pangunguna nina Tingog Party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) para sa kandidato ng administrayon.
The Alyansa slate comprises House Majority Leader Erwin Tulfo, former Interior Secretary Benhur Abalos, Deputy Speaker Camille Villar, Makati Mayor Abby Binay, Senators Bong Revilla, Francis Tolentino, Pia Cayetano and Lito Lapid, former Senators Ping Lacson and Manny Pacquiao and former Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Nang tanungin sa bilang ng botante mula sa rehiyon, inihayag ni Romualdez na mahigit sa 3 million.
Ipinarating din ng Speaker sa Pangulo ang naturang rally.
“Of course sinabi ko naman na andito tayo at nandito ‘yung ibang mga senatoriables at mga representante nila. Alam mo naman si Presidente, hindi lang Ilocano, kalahati ‘yan, Waray,” dagdag ng Speaker.
Umaasa ito na makakapasok ang kandidato ng administrauon at tutulong sa abot ng kanilang makakaya para magwagi ang mga ito.
Dinaluhan ng libong supporter, lokal na opisyal at community leders ang naturang rally sa Tacloban City na nagpapakita sa suporta ng rehiyon.
Ang Eastern Visayas ay binubuo ng anim na probinsiya. (Vina de Guzman)