ALITUNTUNIN SA PAGBILI NG BOTO ILALABAS NG COMELEC
- Published on August 23, 2023
- by @peoplesbalita
ILALABAS ng Commission on Elections (Comelec) ng alituntunin na magpapalakas sa paglaban nito sa anumang anyo ng pagbili ng boto.
“In the next few days, the Comelec will be announcing certain revolutionary guidelines when it comes to campaign against vote buying.”
Aniya, gagawa ng ilang pagpapalagay ang Comelec na hindi pa nagsagawa ng komisyon.
“We will be making some presumptions which had not been done before by the Commission on Elections,” sabi ni Comelec Chairman George Garcia sa CNN Philippines’ The Source.
Sinabi ni Garcia na ang mga alituntunin ay kasama ang anumang mga kuwestiyonableng paglilipat ng pera na ginawa online ng isang kandidato sa panahon ng kampanya at panahon ng halalan.
“These people will just say, we are just sending to our relatives or what. But you are sending within the same barangay and you are sending ₱2,000 each, and you have not sent before. And then therefore, you should be presumed as involved in vote buying especially if the sending happens during the campaign period,” paliwanag ni Garcia .
Ayon pa kay Garcia, ang Comelec ay hindi tututok sa halaga pero sa pamamaraan at iba pang mga pangyayari sa paglilipat ng pondo sa ibang indibidwal.
Hihilingin din ng Comelec sa Anti-Money Laundering Council kung maaari idirekta ang e-wallet companies t na magsumite sa commisdion transactions sa loob ng 10 araw ng panahon ng kampanya at araw ng halalan dahil ito ang kadalasang ginagawa ng pagbili ng boto.
a kaso ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ang campaign period ay mula Oktubre 19-28 at ang araw ng halalan ay sa Oktubre 30.
Since the 1985 law does not cover this modern way of sending money, then the Comelec under the constitution can always promulgate guidelines or rules to cover what is lacking in our law,” binanggit ni Garcia .
yon pa kay Garcia, tatalakayin pa rin aniya ng Comelec ang panukalang ito sa Miyerkules.
ung ito ay maipapatupad, sinabi ni Garcia na magsasampa sila ng mga kaso laban sa mga posibleng sangkot sa ilegal na gawaing ito at hayaan silang patunayan sa korte kung sila ay nagkasala o hindi.
amantala, sinabi ni Garcia na halos 100% handa na ang Comelec para sa pagsasagawa ng barangay-level polls.
ng muling pag-imprenta sa halos dalawang milyong balita ay nagpapatuloy habang ang training ng electoral board members ay gagawin sa Setyembre.
akikipagpulong din ang Comelec sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard para malaman ang pangkalahatang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa at kung alin ang areas of concern. GENE ADSUARA