• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex Eala, patuloy ang pag-angat sa World Rankings

NAKUHA ni Alex Eala ang kanyang bagong career-best ranking na No. 45 sa Women’s Tennis Association (WTA) nitong Lunes, February 2 matapos ang solid na performance sa unang bahagi ng 2026 season.

Umakyat ng apat na puwesto si Eala mula No. 49 matapos umabot sa semifinals ng ASB Classic sa Auckland at makapasok sa main draw ng Australian Open.

Nanalo rin siya sa Kooyong Classic exhibition tournament sa Melbourne at umabot sa quarterfinals ng Philippine Women’s Open, ang kanyang kauna-unahang professional tournament sa sariling bansa.

Noong Martes, Pebrero 3, umusad si Eala sa susunod na round ng Abu Dhabi Open matapos talunin si Zeynep Sonmez ng Türkiye, 6-4, 6-3.