• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 1:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALBAY, NAKAPAGTALA NG MAINIT NA 48°C HEAT INDEX

NAITALA sa Albay ang isa sa pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon, umabot ito sa 48°C nitong Linggo, Abril 21, ayon sa PAGASA.nnAng naturang antas ng init ay nasa ‘danger level’ na maaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at posibleng heat stroke kung hindi maagapan.nnAyon sa weather bureau, epekto ito ng El Niño phenomenon at ng patuloy na umiiral na mainit na panahon sa bansa.nnNagpaalala ang mga otoridad na iwasan ang direktang sikat ng araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, magsuot ng magagaan at preskong damit, at uminom ng maraming tubig.nnPinapayuhan din ang publiko na iwasan ang strenuous activities sa kasagsagan ng init ng araw.nnSamantala, mahigit 30 lugar sa bansa ang nasa ilalim din ng mataas na heat index mula 42°C pataas, kabilang na ang Metro Manila na nakapagtala ng 44°C.