AIVEE BEYOND BORDERS: KALUSUGAN, ALAGA AT SERBISYO!
- Published on October 13, 2025
- by @peoplesbalita
UMARANGKADA na ang libreng medical mission handog ng Aivee Beyond Borders para sa lahat ng Las Piñero noong October 10, 2025, sa Philam Covered Court, Pamplona Dos, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.
Nakisaya at nakibahagi rin sa ating medical mission ang ating special guest na si Ms. Kylie Verzosa.
Sa pamumuno nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar, patuloy ang pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at The Aivee Group upang maihatid sa masa ang libreng serbisyong medikal. ( Franz Angeles/ Boy Morales Sr.)📸