Air assets ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM na gamitin para makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng lindol
- Published on July 29, 2022
- by @peoplesbalita
KAAGAD na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang air assets ng gobyerno para mabilis na mahatiran ng pagkain ang mga apektadong residente
Ang air assets ay isa sa mga pangunahing kailangan ng mga tinamaan ng lindol.
Sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ang mabilis na paghahatid ng suplay ng tubig at pagkain at maging ang tulong pinansiyal na dapat maibigay sa mga residenteng apektado ng malakas na paglindol.
Sa kabilang dako, layon din ng Punong Ehekutibo na matiyak na ang mga nasa malalayong lugar na mahirap hatiran ng tulong ay maaabot sa pamamagitan ng air assets.
Sa kabilng dako, ilan naman din sa naging direktiba ng Chief Executive partikular sa DPWH ay mabilis sanang mabuksan ang mga lansangan habang dapat din aniyang unahin sa pag-iinspeksiyon ang mga ospital at mga health centers tsaka na lamang isunod ang mga government buildings at mga kabahayan.
Samantala, nanawagan naman Pangulo sa National Government na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para maiwasan ang pagkukulang o pag-uulit ng mga kailangang tulong ng mga naapektuhan ng nangyaring kalamidad. (Daris Jose)