• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 8:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Agad na binasag ang ilusyon ng fans na magkabalikan: KIM, diretsahan na ipinamukha kay GERALD ang ginawang pangloloko

ANG tapang na ni Kim Chiu.

Hindi lahat ng artista ay kayang magmatapang at sumagot sa mga post at gustong i-imply ng mga netizen or fans niya.

Simula kasi no’ng mag-beso sina Kim at Gerald Anderson, ang dami na sa mga fan ng Kimerald ang parang nabuhay. Ang iba, nagwi-wish na magtambal daw silang muli.

Pero binasag agad ni Kim ang anumang nabubuo pa lang na “ilusyon” ng mga fan, yung iba, meron pang wish na magkabalikan sila.

Sey ni Kim, “Nakakaloka yung feed ko ah. Kung makapagrelapse akala mo talaga eh di tayo niloko 15 years ago!!! hahahahaha char not char!!!!”

Ang big word ng “niloko!” Kaya ang tapang niya talaga dahil siyempre, diretsahan niyang ipinamukha kay Gerald, even if it’s more than 10 years ago, na cheater ito, huh!

Pero inisip din namin, baka way na rin ito ni Kim to show respect sa present boyfriend na si Paulo Avelino.

***

NASA nasa 40’s na raw si Coco Martin, isa raw sa natutunan niya ay ang “kumalma.”

Ito ang ni-reveal ni Coco nang magpaunlak siya ng podcast interview sa “Paano ba ‘to?”, ni Bianca Gonzalez.

“Natuto akong kumalma at mas natuto akong magpalagpas ng mga bagay-bagay. Kasi dati, papakialaman mo lahat. Ngayon, okay na ‘yan. Honestly kung minsan, ise-send sa akin ang script, pero hindi ako happy. Tapos, sasabihin nila, ang ganda. Kasi, maaaring sa tangin mo hindi maganda, pero iba ang panlasa ng Filipino. Kung sa tingin mo hindi masama, okay na ‘yan.

“Kasi, sasabihin nila, ano ba ‘to, ang hirap magpalusot ng script? Pero ngayon, kung wala naman kalaban, okay naman ang ratings, okay na ‘yan. Basta, natututo kang kumalma at natututo na rin akong mag-no.”

Dati raw kasi, lahat pini-please n’ya. At natututo na raw siyang magtira para sa sarili n’ya. I think, dito ka rin makakakuha ng respect.

Sa bahay raw niya ang kanyang safe space. At kapag nakikita niya ang garden niya, kumakalma siya.

(ROSE GARCIA)