After ng phenomenal success ng Get, Get Aw! na may round 3… ROCHELLE, inamin na wish ng buong SexBomb na magka-world tour
- Published on January 7, 2026
- by @peoplesbalita
BAGO nagtapos ang 2025, naisilang ng former Kapuso actress na si Stef Prescott ang kanyang ikatlong baby sa Amerika.
Sinilang ng StarStruck 4 alumna si Baby Elia Phoebe Yap noong nakaraang Dec. 21, 2025 sa Los Angeles, California.
Noong Dec. 28 ay pinost ni Stef via Instagram ang photos ni Baby Elia kasama ang daddy nitong si JP Yap at ang kanilang two boys na sina Ethan and Elijah.
Sa Bible din nila kinuha ang name na Elia which means “God has answered”.
Sa post ni Stef, matagal na raw nilang pinagdasal ni JP na mabiyayaan sila ng baby girl. Pero matagal din daw bago sila nagplano na magkaroon ng third baby.
“The past few days have been pure bliss.
“Welcoming our daughter to our family and to this world has been an answered prayer and our testimony of God’s goodness.
“After having two boys, JP and I always wanted to have a daughter, but after the pandemic and moving to LA, life just got ahead of us and it didn’t seem like the right time.
“God answered our prayer, and I found out I was pregnant the same month. He fulfilled His promise when we found out we were having a baby girl.”
Hiniling ni Stef na maging maayos ang pagbubuntis niya dahil na-diagnose siya with Gestational Diabetes, meaning na mataas ang blood sugar niya na puwedeng mag-cause ng premature birth.
“I prayed for a healthy pregnancy and a healthy baby. I did have Gestational Diabetes with this pregnancy, but I was able to control it with diet and staying active.”
Sa pinost na video ni Stef on IG, makikita ang sakit na pinagdaanan niya during her contractions, ang pag-push niya para lumabas si Baby Elia, at ang pag-cut ni JP ng umbilical cord.
***
AFTER ng phenomenal success ng ‘Get, Get Aw!’ sa Mall of Asia Arena last Dec. 4 and 9, 2025, ang world tour naman ang gusto na matupad ng Sexbomb Girls ngayong 2026.
Ayon kay Rochelle Pangilinan: “Ang tingin ko na ilu-look forward namin at ng buong SexBomb is ‘yung siguro world tour. At makita namin mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo.”
Nais raw nilang bisitahin ang mga pinalaki ng Sexbomb sa mga bansang Dubai, Australia, USA, at Canada.
Pero bago ang dream na world tour, excited na ang SexBomb Girls sa kanilang nalalapit na ‘rAwnd 3 ng Get, Get Aw! rAnd 3 The Finale’ concert ulit sa Mall of Asia Arena on Feb. 6.
Available na rin ang concert tickets sa SM Tickets online at balitang nagkakaubusan na ng VIP at SVIP.
***
ANG pelikulang ‘One Battle After Another’ ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon sa 2026 Golden Globe Awards.
Nakakuha ang Leonardo DiCaprio film ng 9 nominations. Nasundan ito ng Sentimental Value at Sinners with eight and seven nominations, respectively.
Ang mini-series naman na ‘The White Lotus’ ay nanguna sa television category with 6 nominations and followed by Adolescence with 5 nominations.
Gaganapin ang 2026 Golden Globe Awards on Jan. 11 on CBS and stream on Paramount+ in the U.S. Comedian Nikki Glaser returns to host the show for the second year in a row.
(RUEL J. MENDOZA)