After ng pasabog na kinidnap daw ng P.A…. Mga anak ni CLAUDINE, nakauwi ng maayos mula sa isang birthday party
- Published on January 28, 2026
- by @peoplesbalita
MERON din namang naniniwala, pero majority ng netizens ay hindi talaga kumbinsido sa pasabog ni Claudine Barretto.
Na kinidnap daw ng kanyang P.A. at handler na si Marisol Acop ang tatlong anak na sina Sabina, Quia, at Noah.
Kasi kung totoo raw na may kidnapping dapat ay ini-report agad ito ni Claudine sa pulis. Saka bakit grabe raw kung magbigay ng ultimatum ang actress kay Marisol.
Kapag hindi naibalik ang kanyang mga anak with in 15 minutes ay ipadadampot na niya ang P.A. sa NBI.
Ang nakapagtataka pa, bakit kailangang i-broadcast pa ni Claudine sa kanyang live sa Facebook ang utang raw sa kaniya na 5 milyong piso ni Marisol.
Saka paano nagkautang at bakit niya pinayagang umutang ito sa kanya ng ganito kalaking halaga? Si Marisol nga ba talaga ang may utang o baka guarantor lamang ito?
Ang isa pang kapansin-pansin ay parating nakikitang kasama ni Marisol sa kanyang reels ang boss na si Claudine. Recently lang ay may upload pa ito na nasa supermarket sila.
Sabi pa ng kampo ni Marisol, alam daw ni Claudine na pupunta sina Sabina, Quia at Noah sa birthday party ng kaklase ng anak at kasama nga si Marisol. At hayun nakauwi naman ng maayos ang tatlong anak sa kanilang bahay.
So, nasaan ang kidnapping dito na tulad ng pinalalabas niya.
Sana magkaayos si Claudine at Marisol lalo’t dekada na itong nagsisilbi sa aktres.
***
SUPER blessed ang 2025, sa isa Top Vloggers ng bansa na si Alex Gonzaga.
Yes, ilang produkto ang mga inendorso ni Alex kasama rito ang Chef Ayb’s Paragis na hindi lang sila endorsers ng husband si Lipa Vice Mayor Mikee Morada, at parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga kundi co-owner na rin ito.
Inilusad rin si Alex at sister na si Toni Gonzaga bilang celebrity endorsers ng AURUM ng Hikari Skin Essentials.
At ngayong Feb. 3 ay contract signing naman ni Alex para sa bago nitong endorsement, na hindi pa pwedeng i-divulge, kung anong product ito?
Tumanggap pala ng bagong parangal si Alex mula sa 8th Gawad Lasallianeta Award, kung saan itinanghal siyang “Most Outstanding Comedianne.”
Ginanap ito last Jan. 26 sa Activity Center ng De La Salle Araneta University. At hindi man nakarating si Alex ay pumunta naman si VM Mikee para tumanggap ng kanyang award.
Agad na humingi ng paumanhin sa kanyang social media account si Alex sa hindi niya pagdalo sa awarding ceremony.
“I really asked my husband to personally recieve this award on my behalf because I truly appreciate all the students who voted for me.
“Sorry I coudn’t be there, but maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Love you all, De La Salle Araneta University! Ang tatalino talaga ng mga Lasallians d’yan! Hehehe.”
(PETER S. LEDESMA)