• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 8:04 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After ng medical procedure na ‘discoplasty’: MARICEL, ramdam na nawala ang sakit at biglang gumaling

SUCCESSFUL ang medical procedure kay Diamond Star Maricel Soriano sa Singapore para sa kanyang sakit na spinal arthritis.
Ang treatment na ginawa sa Kapamilya actress ay “discoplasty”.
“‘Yung ginawa nila ‘yung back ko muna. Alam mo ang galing nila kasi walang operation na naganap,” pahayag ni Marya sa naging interview ni Bianca Gonzalez.
“Ang tawag nila du’n sa ginawa sa akin is discoplasty. May eight holes ako sa likod tapos robotics na ‘yung gumawa.”
Pagkatapos daw ng ginawang treatment sa kanya ay, “pagtayo ko wala ng sakit. Instantly magaling na ako,” kaya super happy siya.
Sakto raw ang paggaling niya sa pagsisimula ng shooting nila para sa latest movie niyang, “Meet, Greet & Bye” under Star Cinema na ipalalabas sa November.
“Tapos ‘yung sumunod dahil hindi pa nawawala ‘yung pain, kasi side lang eh, so ginawa nila mismong sa spine nila ako sinaksakan ng steriods.
“Tapos matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad tsaka ‘yung paa ko manhid, parang may mga karayom na tumutusok,” dagdag pa niya
“Tuwang-tuwa nga kami kasi mas kailangang kailangan ko ng mas maging maliksi sa scenes na gagawin namin.
“Nagampanan ko naman. Salamat sa Diyos,” ani Marya.
Sa kanyang YouTube vlog last April una niyang ibinalita ang pagkakaroon ng spinal arthritis na nakakaapekto sa kanyang mobility.
Bukod pala rito, ay meron din pala siyang pinch nerve kaya sumailalim din siya sa physical therapy, kabilang na riyan ang aquatic walking exercises at stretching.

***
PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin ng dalawang bagong Board Members ng Ahensiya na sina Atty. Pedro Cesar Gabriel Atienza Solidum at Atty. Mynoa Refazo Sto. Domingo.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kanilang appointment papers noong Oktubre 6, at inilabas ng Malakanyang nitong Lunes, Oktubre 13.
Bilang mga batikang abogado, bitbit nina Solidum at Sto. Domingo ang kanilang malawak na karanasan at kakayahan para mas higit pang mapatatag ang layunin ng MTRCB na isulong ang responsableng panonood sa pamilyang Pilipino, kasabay ng pagtiyak sa proteksyon ng mga manonood, laluna ng ang mga batang Pilipino.
“Lubos kaming nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagkakatalaga kina Solidum at Sto. Domingo,” sabi ni Sotto. “Ang kanilang malalim na karanasan ay tiyak na makatutulong sa pagpapatuloy ng adbokasiya ng MTRCB sa pagsusulong ng responsableng panonood para sa pamilyang Pilipino at sa pagsuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.”
Nagpaabot din si Sotto ng pasasalamat kina Maria Marta Ines Dayrit at Zeny Mancilla para sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa Ahensiya.
“Salamat din kina BM Dayrit at BM Mancilla sa kanilang tapat na paglilingkod at taos-pusong dedikasyon sa MTRCB. Ang kanilang kasipagan at malasakit ay nag-iwan ng makabuluhang marka sa Ahensiya at sa mga taong aming pinaglilingkuran,” dagdag ni Sotto.
(ROHN ROMULO)